Sugatan ang isang lalaki matapos pagsaksaksakin ng kainuman sa Brgy. Pagatpatan, Bato Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Macario Tagle 50 anyos habang ang suspek naman na si Jorge Seba Jr. 50-anyos mga residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSg. James Iglopas investigastor on case ng Bato PNP, sinabi nitong nag-iinuman umano ang dalawa ng magkaroon ito ng hindi pagkaka-unaawaan na nagresulta sa pananaksak ng suspek.

Kaugnay nito, agad namang isinugod sa ospital ang biktima na sinasabing halos lumabas na ang laman sa parte ng kanyang tiyan dahil sa mga tinamo nitong saksak.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na mahaharap sa kasong Frustrated Murder habang patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil dito.