NAGA CITY – Sugatan ang isang laborer matapos pagsasaksakin ng kainuman sa Brgy. Pisipis, Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Arcangel Jimenez, 35-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Harry Magsadia, nang magkaroon ng mainit na argumento sa pagitan ng dalawa at bigla na lamang nagbunot ng matalim na bagay ang suspek at dito na nito pinagsasaksak ang biktima.

Dahil sa naturang insidente nagtamo ng sugat ang biktima na agad namang dinala sa ospital habang agad namang tumakas ang suspek matapos isagawa ang naturang krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa nakatakas na suspek.