NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Brgy Samil, Lucban Quezon. 

Kinilala ang bikitma na si Alvin Salayong Vergara, 31 anyos, residente ng naturang lugar. 

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang naglalaro ng Mobile Legends si Vergara sa harapan ng kanilang tahanan ng biglang dumating ang nakainom na suspek na kinilalang si Gerald Salayong Monteroso, 33 anyos, residente rin ng Brgy Samil sa naturang bayan. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na bigla na lamang umanong pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa hindi pa mabatid na dahilan.

Dahil dito, nagtamo ng saksak sa ulo at kaliwang parte ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala ang sa ospital para sa asistensiya medikal. 

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.