NAGA CITY- Sugatang ang isang lalaki matapos pagtatagain ng tatlong suspek sa Patnanungan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Elmer Macandog Abaňo, 56-anyos at residente ng Brgy Norte, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nitong Sabado, Agosto 24, 2024 ng umagan ng magkasamang sinamahan ng biktima at anak nito ang anak ng mga suspek na sila alyas Wilmer, 40-anyos at alyas Estelita, 44-anyos, pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Busdak, sa nasabing lugar.
Nang makarating sa bahay, bigla na lamang binaril ni alyas Wilmer ang biktima gamit ang improvised air gun (Jolens) na tumama sa mukha ni Abaňo.
Kasunod nito, tinututukan rin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki si Abaňo ngunit nagawa nitong depensahan ang kanyang sarili, ngunit binigyan pa ni alyas Estelita ng itak si alyas Wilmer at dito nito pinagtataga si Abaňo sa ulo at kanang siko.
Samantala, agad naman tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang krimen.
Sa ngayo ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente, habang patuloy naman na nagpapagaling sa ospital si Abaňo.