NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain sa San Vicente, Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Rolex Pesebre, 57-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Bato Municipal Police Station, napag-alaman na kinompronta ng biktima ang suspek na si Franco Pesebre, 46-anyos, residente ng nasambitan ng lugar habang nasa sakahan na nagresulta sa pananaga ni Franco kay Rolex.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.