NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain sa Mauban, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Emmanuel Maladaga Alzaga, 26-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pumunta si alzaga sa bahay ng suspek na kinilalang si Neil Jhon Villamayor, kung saanito ay nagkaroon ng mainit na argumento.

Dahil dito, bigla na lamang pinagtataga ni Villamayor ang biktima dahilang para magtamo ito ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan kung saan agad nama itong dinala sa pagamutan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pinaniniwalaang lango sa alak si Alzaga ng ito ay pumunta sa bahay ni Villamayor.

Samantala, agad namang nakatakas ang suspek matapos ang krimen.

Sa ngayon patuloy pa ring pinaghahanap[ ng mga otoridad ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.