NAGA CITY- Arestado ang isang dating drug surrenderee matapos ang isinagawang buy bust operation sa Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na sa pangalang alyas Paeng, 45-anyos, residente kan nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki PLt Mark Spaña, Deputy Chief of Police kan Calabanga Municipal Police Station, sinabi nito na gamit ang P500 komo buy bust money, nabili ng nagpanggap na poseur buyer sa suspek ang isang piraso pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Dahil dito, agad naman na inaresto ng mga awtoridad ang suspek at sa isinagawang pagsisiyasat sa lugar, nakumpiskar pa an 21 pirasong pakaete ng pinaniniwalaang shabu.

Ayon kay Spaña, dati nang nagsuko sa OPLAN Tokhang ang suspek noong 2018.

Samantala, dagdag pa ni Spaña, tinurn-over na nila ang lahat ng nakuhang ebedinsiya sa Camarines Sur Police Provincial Crime Laboratory Office para sa eksaminasyon at pag-alam sa kabuuang halaga ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Calabanga MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.Top