NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang 20-anyos na lalaking sa Candelaria, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na kahapon, Agosto 20, 2024 nang tumawag sa opisina ng Candelaria, MPS ang Brgy. Chairman ng Brgy. Pahinga Norte sa nasabing bayan hinggil sa insidente.

Agad naman pumunta ang mga tauhan ng kapulisan at dito nila nalaman na bandang alas-8:30 ng umaga, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng barangay ng isang Reymart Abrigo Revillosa, 30-anyos, habang ito ay naglalaro ng basketball.

Sa ocular inspection ng mga otoridad, nakita ang tama ng bala ng baril sa ulo ng biktima at nakagapos pa ang dalawang kamay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.