NAGA CITY – Pinagtataga-patay ang isang lalaking napagbuntungan lamang ng galit sa bayan ng Bula, sa Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Christian Llavanes, 33 taong gulang, at residente ng Zone 4A, Brgy. Casugad sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Corporal Manny Ama, Public Information Office at Police Community Affairs and Development ng Bula MPS, sinabi nito na habang naglalakad umano ang biktima ng dumating ang suspek na kinilalang si Jake Pallega, 43 taong gulang, nang bigla na lamang pagtatagain

Ayon sa opisyal, napagbuntungan lamang ng galit ng suspek ang biktima lalo pa’t nakakaranas umano ito ng depresyon dahil mayroon Ng ibang pamilya ang asawa nito at hindi nakasama ang kanyang mga anak.

Ito rin ang tinitingnan na dahilan ng mga otoridad kung bakit nagawa ng suspek ang karumaldumal na krimen.

Dahil sa pananaga, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima lalo na sa ulo, leeg at naputulan pa ito ng kanang kamay.

Agad naman sanang dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima ng mga nakakita ngunit sa kasamaang palad ay idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Samantala, sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad at sa tulong ng mga witness, agad natunton ang kinaroroonan ng suspek matapos tumakas.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa kaukulang kaso.