NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin sa Sitio Malasur Barangay San Lorenzo Mauban Quezon.

Kinilala ang biktima na si Fernando Nieva, 58-anyos, tubong Castilla Sorsogon at kasalukuyang nakatira sa Barangay Cagsiay 1, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag alaman na nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang biktima ng bigla na lamang itong pinagsasaksak ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ang biktima ng sugat sa kanang bahagi ng kanyang tiyan na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensya medical.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa posibleng pagkakakilalan at pagkakaaresto ng suspek na agad na tumakas matapos ang krime