NAGA CITY- Nagpasagasa at tumalon pa sa Mabolo Bridge sa Naga City ang isang lalaki na natalo sa sabungan ng nagkaka halagang P15,000.
Kinilala ang biktima na mula sa Camaligan, Camarines Sur at nasa tatlumpu’t lima hanggang apatnapung taong gulang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Arthur Matos, Punong Barangay ng Mabolo, Naga City, sinabi nito na ayon sa impormasyon, galing umano sa sabungan ang lalaki at natalo sa pustahan.
Pagdating naman nito sa lugar, napag-alaman nito ayon naman sa barangay tanod na nagpasagasa ang nasabing lalaki sa isang truck ngunit hindi napuruhan kung kaya’t tumakbo ito papunta sa tulay ng Mabolo Bridge at dito na nga ito tumalon.
Agad naman rumesponde ang mga taong naroon sa lugar, kung kaya’t nailigtas ang nasabing lalaki ngunit tahimik at hindi gaano makausap ng maiahon sa tubig.
Agad rin naman rumesponde ang mga tauhan ng kapulisan, at rescue appearance ng lungsod upang dalhin sa ospital ang biktima.
Ayon naman kay Rudel Beringuela, ang kasama ng biktima na kukuha sana ng pera ang biktima sa kanilang bahay na pambayad sa kapustahan nito na nagkakahalaga ng P15,000 kung kaya’t sinamahan nila ito ngunit pagdating sa lugar ay sinalubong nito ang truck upang magpasagasa at matapos ang halos 5 minuto, ay tumakbo na ito papunta sa tulay at biglang tumalon.
Samantala, ilang insidente narin nang pagtalon ang naitala sa nasabing tulay kung saan, noong nakaraang taon ay halos sunod-sunod at ang iba dito ay namatay.
Ang nasabing tulay ay malawak, malalim at may mga putol na poste sa ilalim na posibleng maging dahilan kung bakit binabawian ng buhay ang mga nagtangkang tumalon dito.
Kaugnay sa nasabing insidente, umaasa ang kanilang konseho na mabigyan ng pondo ang kanilang pinagpaplanuhan na paglalagay ng bridge spin sa nasabing tulay upang di na maulit ang kahalintulad na pangyayari.