NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang isang 58-anyos na lalaki sa isang sapa sa Sitio Masil-it Zone 1, Brgy. Adiangao, San Jose, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Coderis, 58-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na una nang nadiskubre ang biktima ng Barangay Tanod ng lugar na kinilalang si Brgy.Tanod Miguel Señar Jr.

Samantala nabatid na bakas umano sa mukha ng biktima na binugbog ito dahil sa namamagang mukha at maging ang iba pang parte ng kaniyang katawan.

Dahil dito, agad na hiniling ng mga otoridad sa Rural Health Officer sa bayan ng San Jose na isailalaim sa Post Mortem Examination ang katawan ng nasabing biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nasabing insedente habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri.