NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain sa Zone 2, Sitio San Fuego, Brgy. Cabanbanan Balatan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Antonio Rivera, residente ng naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Victor Rivera Jr., 80-anyos nang magkaroon ng mainit na diskusyon ang dalawa.

Dahil dito, agad na kinuha ng suspek ang nasa 27 pulgadang haba nitong bolo at bigla na lamang nitong tinaga ng tatlong beses sa ulo ang biktima.

Kaugnay nito, agad ding itinakbo sa ospital ang biktima para sa asistensiya medikal.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang suspek matapos isagawa ang krimen ngunit nahuli rin ito ng mga otoridad matpos ang ikinasang hot pursuit operation laban sa suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek gayundin ang bolong ginamit sa krimen para sa karampatang disposisyon.