NAGA CITY- Nasa state of decomposition na nang matagpuan ang palutang-lutang na katawan ng isang lalaki sa ilog na sakop ng Naga City.
Kinilala ang biktima na isang 33-anyos at residente ng Barangay Sabang sa nasabing lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSGT. Roberto Aguillon, Assistant PIO ng Naga City Police Office, sinabi nito na ang nasabing biktima ay tumalon sa Mabolo bypass bridge noong June 12 at tumagal ng halos apat na araw bago ito nakuha.
Sa paunang imbestigasyon ng nabanggit na himpilan, sinubukan umano na sagipin ng dalawang saksi ang nasabing lalaki ngunit dahil gabi na at malalim ang ilog hindi na nagawa pa nang mga ito na makita ang biktima.
Kaugnay nito, makaraan ang apat na araw nagulantang ang mga residente malapit sa Naga City Peoples Mall nang makita ang palutang-lutang na katawan ng lalaki sa Naga River.
Samantala, positibo naman na kinilala nang mga kaanak ng biktima ang katawan nito.
Dagdag pa nang opisyal, bago ang insidente, napansing tuliro ang biktima at tila may pinagdadaanang mabigat na problema.
Sa ngayon, hinikayat namn ni Aguillon ang publiko na kung enkaso may pinagdadaan sa buhay ipaalam umano ito sa mga kapamilya, kakilala at huwag sarilinin upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.