NAGA CITY – Positibo ang presidente ng Lawyer for Commuters Safety and Protection na may mangyayaring magandang resulta ang pagcommute ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Ariel Inton, head ng nasabing grupo, sinabi nito na dahil sa naranasan ni Panelo, siya na mismo ang makakapaabot kay Presidente Rodrigo Duterte ng totoong kalagayan ng trapiko.
Ayon pa kay Inton, nasa kamay ng LTFRB, LTO, DOTR at MMDA ang hurisdiksyon sa problema.
Dagdag pa nito, kung malalaman ni Presidente Duterte ang ibat ibang dahilan ng problema pwedeng maisipan na nito ang mas epektibong solusyon sa problema.
Sa kabilang dako, inalmahan naman ni Inton ang pahayag ni Panelo na hindi pa matatawag na krisis ang nasabing problema sa trapiko sa Metro Manila.