NAGA CITY- Nakahanda na ngayong panahon ng tag-ulan ang LDRRMO Camaligan sa probinsya ng Camarines Sur.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Johanna Marie Estrella, Local Disaster Risk Reduction Management Office Assistant ng lokal na gobyerno ng Camaligan, sinabi nito na marami na umano silang ginagawang preparasyon, kung saan gumagawa na sila ng mga Information And Education Campaign(IEC) materials na ibibigay sa mga barangay.
Ito’y upang malamang ng mga tao kung paano sila maghahanda at mitigate ang mga negative impact ng tag-ulan sa lugar.
Maliban pa dito, naglalagay na rin umano sila ng mga early warning system, at mga signages sa mga flood prone areas.
Ayon pa pay Estrella, sakali naman naranasan na ang pagbaha sa lugar, magsasagawa sila ng early evacuation sa mga lugar na itinuturing na high risk. Kagaya na lamang ng Barangay San Francisco, Tarosanan, San Mateo, Sua, San Roque, sa may San Juan, at Brgy. Marupit.
Aniya, nag-uupdate rin sila ng mga Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan sa bawat Barangay, upang malaman kung gaano na ba ito kahanda para sa tag-ulan.
Samantala, nagsasagawa rin umano sila ng mga training gaya na lamang ng basic life support at flood drills.