NAGA CITY- Umalma ang LGBT Community sa Bicol matapos patawan ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ang suspek sa pagkamatay ni ng isang Filipina transgender woman.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay John Mark, isang miyembro ng Bahaghari-Bicol sinabi nito na kinokondena umano ng kanilang groupo ang umanoy naging desisyon ni Presidente Rodrigo Duterte.
Ayon kay John Mark, mismong si Pemberton na umano ang umamin sa mga otoridad sa kanyang ginawang karumaldumal na pagpatay sa Filipina transgender woman na si Jennifer Laude.
Ngunit sa huli ay pinatawan parin si Pemberton ng nasabing desisyon.
Labis umanong nadismaya ang mga ito sa pamahalaan kung saan ipinagdiinan pa nito na hindi porket isang miyembro ng LGBTQ si Laude ay wala na itong karapatang makamit ang hustiya.