NAGA CITY – ALL SET na ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Naga kaugnay ng seguridad sa pagdiriwang ng Penafrancia Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rene Gumba, head ng Public Safety Office (PSO)-Naga, sinabi nito na fully activated na ang joint operation center at ang inter agency task group sa pagtiyak ng seguridad sa bansa.
Nakahanda na rin ang emergency preparedness joint task force na responsable sa mga insidente at deployment ng rescue unit para sa traslacion at fluvial procession.
Pinamamadali na rin ang procurement ng mga CCTV at pag-install ng mga traffic lights na kailangan para sa mas maayos na buhos ng trapiko.
Nagbabala rin si Gumba sa lahat ng mga deboto na lalahok sa ka-fiestahan na huwag nang magdala ng bag pack dahil ito ay kanilang mahigpit na pinagbabawal.
Magkakaroon din ng random checking ng vaccination at booster card sa buong lungsod ng Naga.
Sa ngayon, pakiusap na lamang ni Gumba sa publiko na huwag maging matigas ang ulo at sumunod na lamang sa lahat ng mga guidelines na ipinapalabas ng lokal na pamahalaan ng Naga.
Samantala, kaugnay nito, asahan din ang pagkakaroon ng signal jamming sa buong lungsod lalo na sa dadaanan ng traslacion at fluvial procession.
Ang naturang signal jamming ang ipinapatupad para matiyak ang seguridad ng mga deboto na lalahok sa ka-fiestahan ni Ina.