NAGA CITY- Hangad ng Local Government Unit (LGU)-Naga na magkaroon ng tinatawag na Local Economy and Investment Promotions Office (LEIPO).
Sa press briefing, sinabi ni Naga City Mayor Nelson Legacion na importante ito sa lungsod lalo na sa panahon ngayon upang lumago ang ekomoniya.
Dagdag pa nito, importante rin na magkaroon ng isang opisina na tututok sa sektor ng negosyo at ekonomiya.
Ayon pa sa opisyal, kung lalago ang ekonomiya at maganda ang negosyo, marami ang makikinabang dito lalo na lungsod ng Naga.
Makakadagdag rin umano ito upang magkaroon ng mas maraming trabaho o hanapbuhay kung saan mas lalaki pa ito sa ilalim nang Locally Generated Revenue.
Samantala, binigyan diin rin ni Legacion na napapanahon na ang paggawa ng ganitong opisina hindi lamang dahil papunta na sa post pandemic scenario kung hindi dahil naman nakapagsimula na umano ang lungsod na makapagbukas ng mga bagong growth areas.