NAGA CITY- Naglaan ngayon ang lokal na gobyerno ng lungsod ng Naga ng aabot sa P33M para sa 26,000 na mga food packs na ipapamigay sa mahigit 50,000 na pamilya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Coun. Oying Rosales, ng Naga City sinabi nito na ito ay napagdesisyonan matapos pag-usapan sa isinagawang special session kasama si Naga City Mayor Nelson Legacion.
Ayon kay Rosales, layunin nito na ipamigay sa halos 50,000 na pamilya an mga basic goods tulad ng bigas na kung saan lubos na makakatulong sa mga mamayan sa lungsod.
Ito ay ipapamigay tatlong beses, una rito mamimigay muna ng 15kl na bigas at dalawang 10 kilo naman sa susunod pa.
Samatala, ibibigay lamang umano ang nasabing mga food packs sa mga labis na nangangailangang residente sa tolong ng mga barangay official sa lungsod.