NAGA CITY- Ipinaabot ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng sariling hospital ang lungsod ng Naga.
Sa pahayag ni Naga City Mayor Nelson sa pagharap nito sa mga kagawad ng media ,sinabi nito na kailangan ng lungsod ng panibagong ospital.
Ito’y upang madagdagan pa ang bed capacity sa lugar lalo na ngayon na nariyan pa rin ang COVID-19.
Mababatid na lumubo ang naitatalang kaso ng sakit sa nasabing lungsod katulad na rin sa lalawigan ng Camarines Sur, napuno ang mga hospital beds sa mga ospital sa lugar kung saan ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit inilagay sa Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) ang lungsod sa loob ng isang buwan.
Kung saan, naniniwala rin ang alkalde na nasa 20 katao ang patuloy na ginagamot sa ICU facility kung saan tatlo ang nagmula sa lungsod ng Naga.
Dahilan na ang pagkakaroon ng ospital at hospital beds ay makaktulong upang hindi na maisailalim ulit sa mas mahigpit na quarantine classification ang lungsod ng Naga.
Sa ngayon, hinihingi na lang ng alakalde ang pakikipagtulungan ng bawat isa upang malampasan ang lahat ng panganib na dala ng COVID-19 pandemic.