NAGA CITY- Nagpadala ng team ang lokal na pamahalaan ng Naga City sa lalawigan ng Catanduanes upang magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pananalasa ni Bagyong Pepito.

Sa nagin pagharap sa mga kagawad ng media ni Naga City Administrator Lito Del Rosario, sinabi nito na sakay ng isang truck na kinabibilangan ng sampung mga tauhan mula sa City Engineer Office at Solid Waste Management Office-Naga bumiyahe ang mga ito papunta sa lalawigan ng Catanduanes.

An nasabing team ay mayroong dalang bigas para sa mga residente na naapektuhan ng Bagyo at clearing materials para sa nagpapatuloy na Clearing ops sa lufar.

Ayon kay Del Rosario, nakadepende na umano sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Catanduanes kung saan ilalagay ang clearing team ng Naga ngunit nakakatiyak ang opisyal na sa mga hard hit Municipalities o Eastern part ng lalawigan ang magiging assignment ng mga ito.

Ang hakbang na ito nang LGU-Naga sa pamumuno ni Mayor Nelson Legacion ang pagpakita ng pagmalasakit at pasasalamat na rin sa mga tumulong sa Naga City matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.

Importante umano ang pagtutulungan lalo na sa panahon na halos sunod-sunod ang pagbayo ng mga Bagyo hindi lamang sa bahagi ng Bicol Region kundi maging sa ibang areas sa bansa.

Sa ngayon, hagad na lamang ng opisyal ang muling pagtindig ng Catanduanes at iba pang lugar sa bansa na sinalanta ng nagdaang mga bagyo.