NAGA CITY- Tiniyak ng Alkalde ng lungsod ng Naga na naka-standby na ang kanilang team para sa mga magiging interventions para sa selebrasyon ng Peñafrancia Festival.
Ang naturang pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion ay kasunod ng mga naitatalang variant ng COVID-19 sa bansa.
Sa press briefing nito, sinaysay ni Legacion na maghihintay ang kanilang local na gobyerno sa mga guidelines na ipapalabas ng Department of Health (DOH) at tiniyak na wala pang kautusan patungkol sa mga border control papasok sa lungsod ng Naga.
Samantala, dagdag pa ng Alkalde na hindi makakabuti sa publiko na mag panic kasunod sa mga napapabalitang variant ng nakamamatay na sakit.
Sa ngayon, patuloy ang paghikayat nito sa publiko na sumunod sa minimum health standard.