NAGA CITY- Nakamonitor at patuloy na nakabantay ang lokal na pamahalaan ng Naga City kaugnay sa binabantayan na Tropical Storm Kristine.
Sa kasalukuyan, nakataas ang signal No.1 sa bahagi ng Camarines Sur, kasama na diyan ang Naga City at iba pang area sa Bicol Region.
Kaugnay nito, naka-standby naman ang iba’t ibang opisina gaya na lamang ng PNP, BFP, Coast Guard,PSO-Naga at iba pa enkaso ipatupad ang force evacuation dahil na rin sa walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan.
Patuloy rin na binabantayan ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Naga River at sa mga barangay lalo pa’t nakaranas ng aabot sa dibdib na baha kamakailan lang dahil sa panlalamasa naman ni Bagyong Enteng.
Maliban dito, nakabantay rin ang Casureco 2 at pansamantalang pinutol ang suplay ng kuryente sa mga lugar na mataas na ang lebel ng tubig upang maiwasan na mayroong maitalang insidente ng pagkakakuryente.
Samantala, nairehistro naman ang mga nabuwal na punong kahoy sa ibang area sa Naga City at Camarines Sur habang mayroon na rin na kalsada ang pansamantalang hindi madaanan dahil sa tubig baha.
Maaalala, una nang kinansela ang pasok sa mga trabaho sa gobierno at pribadong sektor maging ang mga klase sa lahat ng level sa Naga City at buong Camarines Sur.
Sa kasalikuyan, mahigit 170 pamilya na ang inilikas sa Concepcion Pequeña, Naga City dahil sa pagbabaha dulot ng Bagyong Kristine. Maliban dito wala ring suplay ng kuryente sa lugar.
Patuloy naman ang mga abiso mula sa mga awtoridad na maging alerto ang lahat sa banta ni Bagyong Kristine.