NAGA CITY- Handa umanong makipag tulungan ng local na gobyerno ng Naga City sa mga ahensya na pwedeng maging daan upang maipaabot
ang ibibigay na tulong sa mga naapektuhan ng pag aalburoto ng Bulkang Taal.

Sa naging pahayag ni Vice Mayor Nene de Asis ng Naga City sinabi nito na tinitingnan pa kung ano ang pwedeng ibigay na tulong sa
mga naapektuhang lugar kung saan pag-uusapan ito sa darating na session regular ng Sangguniang Panglungsod.

Ayon kay de Asis, kung sa paraang in kind posible umanong makipag tulungan ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development
(DSWD) para sa pag proseso ng papapaabot ng tulong.

Matatandaang lagi ring nag papaabot ng tulong ang local na gobyerno ng Naga sa mga nakakaranas ng lubhang sakuna sa bansa tulad na lamang
ng nangyaring paglindol sa Mindanao at marami pang iba.