NAGA CITY- Plano ngayon ng alkalde ng Naga na magkaroon ng apat na primary health care sa lungsod ng Naga.
Sa press briefing ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito hangad ng lokal na gobyerno ng naturang lungsod na maging maayos at maganda ang basic health needs ng publiko.
Ayon pa kay Legacion kabilang sa mga hinahangad na maging primary health care ang City Health Office 2 sa Sta. Cruz New Development Area; ang Infirmary sa Barangay Carolina; ang City Health Hospital sa Barangay Peñafrancia at ang bagong itinatayong Super Health Center sa Baragay Concepcion Pequeña.
Mababatid na noong Hunyo 12, 2022 pormal ng pinirmahan ni Mayor Legacion at DOH Regional Director Ernie Vera ang Memorandum of Agreement na magbibigay daan sa pag donate ng aabot sa P10-M na pondo mula sa national na government.
Nakalaan naman ito sa para sa itatayong Super Health Center I, kung saan magkakaroon ng Birthing Facility, Consultation Center, Dental Center at iba pang kinakailangan na serbisyong-medikal para sa naturang lungsod.
Ang naturang Super Health Center ay itatayo katabi ng Concepcion Pequena National High School.
Bagaman, ayon sa alkalde nasa P12-M umano ang kanilang ibi-bid ayon sa program of works na hinanda ng City Engineeers Office.
Inaasahan na maraming mga Nagueño ang mabibigyan ng serbisyo medikal dahil na rin sa naturang health center sa ilalim naman nang Health Facility Enhancement Program kan DOH.
Samantala, kabilang sa nasabing programa ang pagpapalakas ng operasyon ng mga rural health units, district hospitals, provincial, at mga DOH hospitals.