NAGA CITY – Bumili na ang LGU-Pili ng spray medicines bilang isa sa mga hakbang upang labanan ang dengue.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga, kay Pili Mayor Tom Bongalonta, sinabi nito na ang mga gamot ay para sa lahat ng barangay at paaralan sa buong bayan ng Pili.
Matatandaang nakapagtala kamakailan pa lamang ng walong kaso ng dengue ang lugar at patuloy pang nagpapagaling hanggang ngayon.
Bukod dito, patuloy na pinapaalalahanan ni Bongalonta ang kanilang mga residente na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran dahil ito ang pinakamabisang hakbang upang maiwasan ang dengue at iba pang sakit na kumakalat sa kapaligiran.
Samantala, ipinaliwanag din ng alkalde na ang kawalan ng road signage lalo na ang mga kalsada ang dahilan ng mga aksidente.
Kaya naman, muling pinayuhan ni Bongalonta na pagtuunan ng pansin ang nasabing problema upang maiwasan ang pagkakatala ng mga pinsala o pagkamatay.
Sumulat din ito sa DPWH-Distrcit office at regional office upang asikasuhin ang paglalagay ng signage lalo na mga lugar na nasasakupan ng kanilang bayan.
Sa ngayon, tiniyak na lamang ng alkalde na patuloy silang gagawa ng mga hakbang upang matugunan ang mga umuusbong na problema sa kanilang bayan.