NAGA CITY – Itinalaga na ng lokal na pamahalaan ng Sagñay, Camarines Sur ang African Swine Fever Task Force sa iba’t-ibang barangay sa kanilang bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jovi Fuentebuella, alkalde ng LGU Sagñay, sinabi nito na itinalaga ang nasabing task force matapos na may maitalang kaso ng ASF sa katabing bayan nito sa Tiwi, Albay.
Nadagdagan pa ang pagkabahala ng mga tao matapos na mayroong mapabalita na nagbebenta ng karne ng baboy sa halagang P50 kada kilo lamang, na posible umanong kontaminado ng nasabing sakit kaya itinitinda sa mababang presyo.
Dahil dito, muling nagpaalala ang alkalde sa mga mamamayan sa kanilang bayan na kung mayroon silang nabalitaan ng katulad na insidente ay agad na i-report sa kanilang opisina upang agad na maaksyonan.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng executive order si Fuentebella para sa African Swine Fever Task Force, kung saan ang mga ito ang magbabantay sa bawat barangay upang masiguro na hindi na makakapasok at kakalat pa ang sakit sa kanilang mga nasasakupan.
Paalala naman ng alkalde na dapat nakasuot ng ang mga ito, at magpapalabas rin naman umano ito ng kautusan hinggil sa pagbabawal sa pag transport ng baboy palabas at papasok sa kanilang bayan lalo na ang mga mula pa sa Tiwi, Albay.
Samantala, kung magtatransport naman ng karneng baboy na mula sa ibang lugar kailangan ng mga ito na makapagpakita ng dokumento katulad ng point of origin ng karne na mayroong certification na cleared na ito sa nasabing sakit.
Kung magtatransport naman palabas sa kanilang bayan kailangan na ihanda ang certification mula sa Barangay Local Government Unit (BLGU) at buwis ng barangay, Animal Inspection Certificate gikan sa Municipal Agriculturist Office, business permit, business registration na issued ng DTI at business registration mula sa Department of Agriculture.
Ang nasabing mga dokumento ang magpapatotoo na ang mga baboy o karne na itatransport ay mula sa mga lugar na hindi kontaminado ng nasabing sakit.