NAGA CITY- Nagsagawa ng meeting ang lokal na gobyerno ng Sagñay kasama ang MDRRMO, DA, BFP at iba pang departamento kaugnay nag binabantayang masamang panahon.
Sa naging pahayag ni Jovi Fuentebella, Mayor ng Sagñay, Camarines Sur, sinabi nito na posible ang pinsala ng bagyong Agthon sa kanilang bayan lalo na sa mga landslide prone area, kagaya na lamang ng Patitinan, Sibaguan, Bongalon, at bahagi ng Kilomaon at Turague.
Inabisohan rin nito ang mga barangay na i-active na ang BDRRMC sa inaasahan na malakas na buhos ng ulan dahil aniya ang kanilang inaasahan.
Kaugnay nito, patuloy rin ang kanilang preparasyon hindi lamang para sa bagyo ngunit para narin sa papalapit na tag-ulan.