NAGA CITY – Bumuhos ang libo-libong mga manunuod ang isinagawang Handog pasasalamat ng Bombo Radyo at Star FM sa Penafrancia Festival 2019, free concert, free t-shirt sa Plaza Quezon, Naga City kagabi.

Ang naturang aktibidad ang nagsimula alas 6:00 ng hapon pagkatapos mismo ng Fluvial Procession at nagtapos pasado alas 12:00 ng hatinggabi.

Inaliw ang mga tao ng mga nakakatawang performermance ng The Young Ones’.

Nakikanta at nakisayaw naman ang lahat sa todo bigay na performance ng Bicolano Rapper na si Bligs.

Namangha rin ang mga tao sa galing ng banda ng Philippine Army mula sa 9th Infantry Division.

Hindi naman nagpahuli sa kanilang live performances at orihinal na kanta ang mga local bands na 27 Signs, Antonios Band, EalyNDamorning at Eggnogz.

Samantala, marami naman ang nakatanggap ng ibat ibang mga papremyo at cash prizes sa iba’t ibang mga parlor games.

Nananatili ang mga manunuod hanggang sa matapos ang naturang aktibidad eksaktong alas 12:00 na ng umaga.

Ang Handog Pasasalamat ang taung-taong isinasagawa bilang pakikibahagi ng Bombo Radyo at Star FM sa selebrasyon ng kapistahan ni Nuestra Senora de Peñafrancia.