NAGA CITY- Dumagsa ang libong-libong deboto mula sa iba’t ibang lugar sa buong bansa para sa isinagawang Traslacion Procession sa lungsod ng Naga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rev Father. Pablo Carpio, Vice Rector of The Peñafrancia Basilica Minore sinabi nito na sa kabila ng pagbuhos ng malakas na ulan ngayong araw hindi natinag ang libo-libong mga deboto mapa civic at religious group sa pagpapakita ng kanilang malalim na debosyon sa Imahe ni Our Lady of Peñafrancia at kay El Divino Rostro.
Binalikan naman ni Father Carpio ang nagyari noong taong 1982 kung saan kahit malakas ang ulan ipinagpatuloy parin ang procession.
Ang Traslacion procession ay ang paglipat ng Imahe ni Ina Peñafrancia mula sa Basilicia Minore papunta sa Naga Metropolitan Cathedral kung saan ang andas na sinasakyan ng Imahe ni Ina ay tulak-tulak ng daan-daang mga lalaking deboto at ipinaparada sa mga mayor na lugar sa lungsod. Ang nasabing aktibidad ay marka ng pagsisimula ng ka-fiestahan at siyam na araw na Novena bilang pagbibigay pugay kay Nuestra Senora de Peñafrancia, Patrona ng buong Bicol Region.
Kaugnay nito, kanina pasado alas 10 ng umaga, sinimulan na ang pagsasara ng mga kalsada na dinaaan nang nasabing traslacion at ito ay nanatili hanggat hindi natapos ang aktibidad.
Maliban dito, mahigpit naman ang naging pagbabantay ng mga kapulisan katuwang ang ibat ibang mga augmented personnel kung saan ipinatupad pa rin ang heigtened alert status sa kanilang hanay.
Maalala, aabot sa 2,407 na mga kapulisan kasama na ang mga tauhan ng Naga City Police Office at mga augmented personnel mula sa Bicol Region habang ang force multipliers ay aabot naman sa higit 3800 na security forces ang edeneploy ngayong araw. Kasama na dito ang AFP, Airforce, Navy Auxiliary, Coast Guard, Philippine Army, DPWH, Public Safety Office-Naga at iba pa.
Mayroon rin na naka standby na mga ambulance, at mga first aid desk ang Red cross para sa mangangailangan ng atensyong medikal.
Bago pa ang pagsisimula ng traslacion procession, nagpa-alala na si Father Carpio sa mga voyadores na iwasang umakyat sa andas ni Ina at ni El Divino Rostro upang maiwasan ang anuman na aksidente at manatiling solemn ang procession.
Ayon pa kay Father Carpio hindi ito ang panahon para sa pagpapasikat bagkus ito ay para sa pakikiisa sa selebrasyon ng Peñafrancia Fiestivities.
Samantala, umabot naman sa 900-K katao ang dumalo sa Traslacion procession ngayong taong 2024