NAGA CITY- Nakiisa ang libo-libong indibidwal sa pagbubukas ng Pride Month sa bansang Thailand.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Joms Villasencio, ang Bombo International News Correspondent mula Thailand, sinabi nito na nitong Hunyo 1 pa lamang ay naging magarbo na ang opening ng Pride Month sa nasabing bansa.
Kung saan, naglaan ng malaking budget ang nasabing event mula sa lokal na gobyerno at iba pang mga private sectors. Ito ay pagpapakita na rin umano ng pagbibigay halaga sa pagkakapantay-pantay ng bawat tao.
Aniya, mismong ang Prime Minister ng Thailand ang nanguna sa pagbubukas ng naturang event.
Kaugnay nito, taun-taon umanong isinasagawa ang Pride Parade dito at ngayong tao ay nasa humigit-kumulang 10,000 na indibidwal ang nakiisa sa nasabing parada kasali na ang mga foreigners.
Binigyan-diin rin nito na ang nasabing aktibidad ay walang nagpapakita ng diskriminasyon dahil kahit hindi miyembro ng LGBTQIA+ ay nakiisa rin.
Samantala, malapit na rin umanong isabatas ang same sex marriage sa nasabing bansa, kung saan inaasahan nila na maipapasa ito ngayong buwan nang Hunyo.