Walang banta ng tsunami sa bansa kasunod ng malakas na lindol na yumanig sa Indonesia ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Batay sa paunang datos, tumama ang lindol alas-6:48 ng umaga sa Northern Molucca Sea malapit sa Ternate, Indonesia, na may lalim na 76 kilometro. Matapos suriin ang sitwasyon, sinabi ng PHIVOLCS na “no destructive tsunami threat exists” para sa Pilipinas.

Iniulat na nagdulot ang lindol sa Northern Molucca Sea ng pinsala sa ilang gusali at nag-trigger ng mga tsunami waves sa karatig na lugar.

Idinagdag ng US tsunami warning authorities na posibleng magkaroon ng delikadong tsunami sa mga baybayin ng Indonesia, Pilipinas, at Malaysia sa loob ng 1,000 km (620 miles) mula sa epicenter, ngunit ayon sa PHIVOLCS, hindi ito nagdudulot ng panganib sa Pilipinas.

Advertisement
Advertisement