NAGA CITY- Aprubado na ang ordinansa para sa mga senior citizen sa Naga City na pending ang aplikasyon para sa Social Pension Program ng DSWD.
Sa kanyang talumpati ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na ang Sanguniang Panlungsod ay nagsagawa ng kanilang unang regular na sesyon para sa buwan ng Oktubre noong Martes, Oktubre 1, 2024 kung saan ilang mga ordinansa tulad ng Local Social Pension Program Ordinance ang naaprubahan.
Ibig sabihin, ang nakabinbing ang mga aplikante para sa nasabing pensiyon ay ibibigay ng lokal na pamahalaan ng Naga. Kung saan, bibigyan din ito ng P500 kada buwan na ipinamahagi ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD.
Dagdag pa rito, kung sakaling mabakante ang listahan ng mga senior citizen sa national government, ililipat sila rito.