NAGA CITY- Nakatakda ngayong magpatupad ng lockdown ang HongKong government para maiwasang may makapasok sa lugar ang sinumang nahawaan ng kumakalat na sakit na 2019 Novel Coronavirus.
Sa report ni Bombo International Correspondent Mean Pancho, sinabi nito na doble ngayon ang ginagawang pag-iingat ng gobyerno upang maiwasan na kumalat ang naturang virus sa lugar.
Una na umanong nagpaabot ng panibagong kautusan ang HongKong government sa mga employer na iwasang magdala ng kanilang mga helper papuntang china para walang makapasok na virus sa bansa.
Maliban dito, ipinag-utos na rin aniya ng pamahalaan sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga pampublikong tanggapan na sa bahay na lamang gawin ang
kanilang mga trabaho habang ang mga private employees naman ang dapat makipag-ugnayan sa gobyerno para sa karampatang aksyon.
Kung maaalala, maging ang mga nakatakda pa sanang kilos protesta sa lugar ang hindi na rin natuloy sa takot na mahawaan ng naturang kumakalat na sakit.