NAGA CITY- Balik na sa normal ang barangay Calauag Naga City matapos na inalis na ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang extreme enhanced community quarantine sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Naga City Mayor Legacion, kinumpirma nito na pasado ala 1:00 ng umaga ng mismong magtungo ito sa nasabing barangay upang ipaalam sa mga otoridad ang kanyang kautusan.
Ito’y matapos mag negatibo na sa isinagawang swab testing ang pinakahuling Person Under Imbestigation(PUI) na binabantayan sa lugar.
Kaugnay nito wala na umanong rason para ipagpatuloy pa ang ipinapatupad na extreme lockdown.
Samantala, napag-alaman naman na lagpas sa 10 katao ang isinailalim sa swab testing sa nasabing barangay kasama na rito ang mismong barangay kapitan sa lugar matapos ang isinagawang contact tracing.
Habang, kahapon lamang ng matapos na nito ang 14-days quarantine kasama ang iba pang barangay official at residente na isinailalim sa quarantine.
Kung maaalala, una ng napabalita na nakatira sa nasabing lugar ang unang pasyenteng namatay sa covid-19 sa Bicol Region.