NAGA CITY- Naagnas na ng makita ang katawan ng isang lola sa loob ng kaniyang bahay sa Zone 1, Barangay Caroyroyan, Pili, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Maria Gavino, 73-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasuon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na nakatanggap ng report ang Pili Municipal Police Station mula sa isang nagngangalang Thomasville Palmero kaugnay sa nasabing insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naabtod na halos isang linggo ng hindi lumalabas sa saiyang bahay ang biktima ngunit naaamoy na ang nakakasulasok na amoy sa loob ng inuupahan nitong bahay.
Nang rumesponde ang mga awtoridad dito na nito natuklasan ang bangkay ng biktima na nakahandusay na sa sofa at naliligo na sa sariling dugo.
Kaugnay nito, lumalabas naman sa imbestigasyon ng SOCO team na nagtamo ng sugat na indikasyon na tinaga ito sa kaniyang ulo.
Pinaniniwalaang pinagnakawan pa an biktima bago patayin ng mga suspek.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.