NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng hibndi pa nakikilalang senior citizen sa Brgy. Pinaglapatan, Infanta, Quezon.

Pinaniniwalaan na nasa pagitan ng 60 hanggang 65-anyos ang edad ng biktima.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan ang katawan ng biktima ng isang mangingisda na kinilalang si Bernardo De Villa habang pauwi na ito mula sa pangngisda.

Dagdag pa dito, nakita umano ni De Villa ang katawan ng biktima habang nagpapalutang-lutang sa kadagatan na sakop ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad pinaniniwalaan na wala namang nangyaring foul play sa insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na para sa posibleng pagkakakilanlan ng nasabing biktima.