NAGA CITY-Patay ang isang lola matapos malunod sa Padre Burgos, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Elsa Andrade, 83-anyos, residente ng Brgy. Cabuyao Sur sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan nang biktima sa gilid ng ilog sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na habang nanghuhuli ng isda ang isang Arjan Palictic nang matagpuan nito ang wala ng buhay na biktima.

Pinaghihinalaan naman ng mga otoridad na walang nangyaring foul play sa insidente.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.