NAGA CITY- Sa kabila ng mas pinahigpit na protocols sa General Community Quarantine (GCQ) nagawa pang makapagpuslit ng mahigit sa kalahating milyon ng isang lola sa Canaman, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Loida Navidad, 60-anyos, kinokonsidera bilang Drug Queen sa naturang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl. Michelle Villamora, tagapagsalita ng Canaman-PNP, sinabi nitong nahuli ang nasabing suspek sa buy bust operation ng mga otoridad sa lugar kung saan nakumpiska rito ang nasa P800,000 halaga ng pinaniniwalaang shabu.
Ayon kay Villamora, dati ng nakulong ang matanda dahil sa kaparehong iligal na gawain ngunit nakalaya lamang matapos makapagpyansa.
Sa ngayon, hinahanda na ang kasong isasampa laban dito habang posible rin aniyang habangbuhay na pagkakakulong na ang ipataw dito ng korte dahil sa laki ng droga na nakuha sa pangangalaga nito.