NAGA CITY- Bagama’t mas delikado para sa isang lolo ang umuwi sa Pilipinas dahil sa banta ng COVID-19, desidido parin itong makasama sa repatriation ng mga Pinoy mula sa Libya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Roberto Celestial, 71-anyos, sinabi nitong halos 27 taon na siyang nagtatrabaho sa naturang bansa mula pa noong 1993.

Ayon kay Celestial, ngayong taon talaga siya nakatakdang umuwi ngunit labis siyang nalungkot matapos maabutan ng lockdown dahil sa nakakahawang sakit.

Sa kabila nito, inaasahan ni Celestial na makasama siya sa mga Pinoy na nakatakdang umuwi sa bansa sa tulong ng Embahada ng Pilipinas sa naturang lugar.

Advertisement

Sa ngayon mayroon lamang 63 kaso ng COVID-19 sa Libya, 18 nakarekober habang tatlo lamang ang binawian ng buhay.

Advertisement