NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos na magpatiwakal sa Pitogo, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Efren Alulud Cortez, 67-anyos, residente ng Brgy Biga, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bago matagpuan ang katawan ng biktima na nakabitay sa puno ng mangga, una naman na umano itong nagsabi sa kaniyang pamangkin na magpapatiwakal ito dahil sa kalungkutan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na wala naman umanong nakitang foul play sa insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.