NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lolo sa Real,Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Gregorio, 82-anyos, residente ng Brgy. Tignoan, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima ng kanyang apo na kinilalang si alyas TJ Ken sa daraanan papuntang bangin.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na kaagad naman umanong nilapatan ng first aid ni alyas TJ ang kanyang lolo pero malala na umano ang kalagayan nito kung kaya dito na ito humingi ng tulong sa mga Barangay Officials.

Kaagad naman na dinala ang biktima sa ospital pero idineklara rin na dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, isinailalim sa otopsiya ang biktima at dito lumabas na natural cause ang ikinamatay nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa patungkol sa naturang insidente.