NAGA CITY – Kinumpirma ng Project Director at Chairman ng 11th Bicol Region’s 2019 Military Parade Competition na mas hahaba pa ngayon ang naturang parada.
Ito’y matapos madagdagan pa ang mga paaralang mula pa sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon na lalahok sa kompetisyon.
Sa pagharap ni Vic Avila, Project Director at Chairman ng naturang kompetisyon, sinabi nitong may kabuuang 752 paraalan ang kasama sa aktibidad na nadagdagan ng humigit kumulang sa 30 ngayong taon.
Samantala, mas pinahigpit na security measures naman ang ipapatupad ng kapulisan at iba pang force multipliers sa naturang aktibidad.
Kung maaalala, noong mga nakaraang taon, umabot ng halos mahigit 11,000 na mga estudyante ang lumahok habang tumagal naman ng halos 12 oras ang naturang aktbidad.
Ang Bicol Region Military Parade Competition ang taunang isinasagawa bilang bahagi ng Penafrancia Festival at isa sa ang kinokonsidera bilang ‘longest military parade sa bansa.