Isang Low Pressure Area (LPA) ang nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ayon sa ulat ng PAGASA, namataan ang LPA sa layong 1,695 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao sa bahagi ng Pacific Ocean.

May posibilidad na lumakas ang sama ng panahon at maging tropical depression sa loob ng 24 oras.

Sa ngayon, wala pang kasiguruhan kung papasok ito sa Philippine Area of Responsibility at kung makaaapekto sa kalupaan ng bansa.

Advertisement
Advertisement