Photo©web

Ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang apat na araw na work week simula Lunes, Abril 6, 2026, bilang bahagi ng energy-saving policy ng pamahalaan sa gitna ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon sa advisory ng LTFRB, ang pagpapatupad ng compressed work week ay alinsunod sa Memorandum Circular 114 na inilabas ng Malacañang noong Marso 6, na naglalayong makatipid sa konsumo ng enerhiya sa buong bansa.

Sa ilalim ng bagong iskedyul, bukas ang mga tanggapan ng ahensya mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, habang walang pasok ang mga empleyado tuwing Biyernes.

Gayunpaman, tiniyak ng LTFRB na hindi maaantala ang serbisyo publiko. Patuloy na magtatrabaho ang mga transportation inspectors, 24/7 hotline team, at iba pang mahahalagang posisyon sa limang araw na work week upang mapanatili ang tuloy-tuloy na operasyon ng ahensya.

Advertisement
Advertisement