NAGA CITY- Opisyal ng isinailalim ang lungsod ng Naga sa state of calamity matapos ang paghagupit ni Bagyong Enteng.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Naga City Administrator Elmer Baldemoro, sinabi nito na dahil sa matinding pinsala na idinulot ng nasabing bagyo dahil sa pag-apaw ng tubig baha sa maraming lugar sa lungsod kailangan ang malaking pondo upang masuportahan ang pagbibigay ng tulong sa mga lubhang naapektuhan na mga pamilya.
Kaugnay nito, sa ilalim ng state of calamity maaari ng maa-access ang quick responce fund na magagamit para sa relief operation, pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong residentes lalo pa’t hindi kakayanin kung aasa lamang sa ipinadalang tulong mula sa DSWD-Region 5.
Maliban dito, maiiwasan rin ang pagtaas sa presyo ng prime commodities dahil ipinapatupad ang price freeze na malaking tulong lalo na sa kasalukuyang sitwasyon.
Paliwanag pa ni Baldemoro, na mabibigyan ng opurtunidad ang mga private and government employees na makapag-loan sa SSS, GSIS at Pag-ibig.
Maaalala, umabot sa lampas tao ang tubig baha na naranasan sa ilang areas sa Naga City lalo na sa mga nasa low lying ares dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan na kung saan ang para sana sa isa hanggang dalawang buwan na pag-ulan ay ibinuhos lamang sa 12 hanggang 24 oras.
Binaha rin ang ilang mga lugar na hindi naman bahain na nagresulta sa mas mataas na damage.
Maliban dito, nakapagtala rin ng apat na casualties kasama na ang isang walong buwan na sanggol na binawian ng buhay matapos na mahulog sa hinihigaan at dumeritso sa tubig-baha na pumasok sa kanilang bahay. Sa nasabing oras, aabot na sa baywang ang lebel ng tubig at sa kasamaang palad kinabukan na natagpuan ang wala ng buhay na sanggol.
Samantala, sa isinagawang special session kahapon, Setyembre 2, 2024 nagpasa na ng resolution na nag-ootorisa sa pag-disburse ng nasabing calamity fund upang kaagad na matulungan ang mga naapektuhan na pamilya.
Sa ngayon, mayroon pa ring ilang areas sa Naga City na lubog sa baha kung kaya puspusan ang paglilibot ng LGU-Naga upang mapaabutan ng tulong sa lalong madaling panahon ang mga apektado.