NAGA CITY- Pinawi ngayon ni Lupi Mayor Lilian Matamorosa ang pangamba ng mga residente matapos may naitalang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay Matamorosa, nilinaw nito na mula sa Cebu si Bicol #85 patungog Legazpi City at tumuloy sa Provincial Quarantine Facility sa bayan ng Bula.

Aniya mula ng dumating ang nasabing pasyente sa Bicol, hindi pa ito umuuwi sa Lupi at wala ring sa mga miembro ng pamilya nito ang nakahalubilo ng pasyante.

Kaugnay nito, muling nagpaalala si Matamorosa sa mga kababayan na mag-ingat at sundin ang mga health protocols upang maiwasang mahawa sa COVID-19.