Mag-ama kritikal ang kondisyon matapos makuryente sa Pasacao, CamSur

NAGA CITY – Kasalukuyan pa ring nasa kritikal ang kondisyon ng mag-ama matapos na kapwa makuryente sa Barangay Odicon Pasacao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ksy Kap. Melinda Sambajon, ng nasabing lugar, napag-alaman na kinilala ang mga biktima na sina Sonny De Vega, 40-anyos, isang welder at ang anak nito na si Krisanto De Vega, 20 anyos.

Ayon kay Sambajon, habang nagtatrabaho sa inaayos na covered court sa naturang lugar ng aksidente umanong makuryente si Krisanto, resulta para mahulog ito na agad naman sanang inagapan ng kaniyang ama ngunit nahulog din ito at nakuryente.

Dahil dito, agad namang itinakbo sa ospital ang naturang indibidwal ngunit sa kasalukuyan ay naka-comatose pa umano ang 20-anyos na biktima habang si Sonny naman ay hindi pa rin nakakagalaw.

Samantala, ayon kay Sambajon, pinaniniwalaang posible umanong may live wire na aksidenteng nakadikit sa bubong ng naturang covered court.

Habang nabatid rin na ito na ang ikatlong pangyayari na may naitalang insidente ng pagkakakuryente sa naturang lugar.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ng mga otoridad hnggil sa naturang insidente.