NAGA CITY- Sugatan ang mag-ama matapos pagtatagain ng isang lalaki sa Purok Riverside, Brgy. Bukal Sur, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Lito Pautan Arnado, 47-anyos at anak nitong Lito Villarosa Arnado Jr., 23-anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang nakaupo ang padre de pamilya sa harap ng isang tindahan ng dumating ang suspek na si Warlito Dedotio Albarico, 37-anyos.

Kung saan armado ito ng itak at pinagsasaksak ang biktima sa likod.

Agad namang lumapit ang anak nito sa biktima para awatin ang suspek ngunit inatake rin ito ni Albarico ng saksak.

Agad namang dinala sa ospital ang mag-ama habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek at nahaharap sa kasong Double Frustrated Murder.